GMA binati ni Bush

Binati ni United States President George Bush si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkakaluklok nito bilang pang-14 na Pangulo ng Pilipinas at inalok ito ng tulong na puwedeng maipagkaloob ng US sa pamahalaan.

Ang pagbabatian at pag-uusap ng dalawang pinakabagong mga lider ng bansa ay naganap kahapong alas-8:00 ng umaga sa pamamagitan ng telepono.

Ayon kay Press Undersecretary Robert Capco, nagpasalamat si Macapagal sa tawag ni Bush at naghayag siya ng pag-asang mapapatatag pang lalo ang pagkakabigkis ng relasyon ng dalawang bansa.

Inimbita ni Macapagal si Bush na dumalaw sa Pilipinas para sa ika-50 anibersaryo ng RP-US Mutual Defense Treaty. (Ulat Ni Lilia Tolentino)

Show comments