3 pa pasok sa Gabinete
January 25, 2001 | 12:00am
Tatlo pang bagong miyembro ng Gabinete at pito pang opisyal ang itinalaga ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa puwesto para mabilis na bumalik sa normal ang operasyon ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan.
Hinirang ni Arroyo sina Congressman Simeon Datumanong bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways; negosyanteng si Jesus Alcorgo bilang kalihim ng Department of Energy, at Congressman Pantaleon Alvarez bilang kalihim ng Department of Transportation and Communications.
Hinirang din ang mga sumusunod at ang kani-kanilang bagong puwesto: Lisandro Abadia, national security adviser; Reynaldo Wycoco, director ng National Bureau of Investigation; Vitaliano Nanagas, president ng Social Security System; Winston Garcia, president at general manager ng Government Service Insurance System; Victor Dumon, GSIS Chairman; Titus Villanueva, Customs commissioner; at Roberto "Bobby" Capco, press undersecretary for operations. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended