^

Bansa

‘Freeze order’ sa mga accounts ni Erap ipapalabas ng BIR

-
Inutusan ng Department of Finance ang Bureau of Internal Revenue na magpalabas ng "freeze order" para sa lahat na depositong salapi ni Jose Velarde at iba pang mga alyas ni dating Pangulong Joseph Estrada sa iba’t ibang banko.

Ayon kay Francis Pangilinan, kabilang sa mga convenor ng KOMPIL 2, ang direktiba ay pinalabas ni Finance Undersecretary Cornelio Hizon sa BIR kasunod ng mga ulat na tangkang ilabas ni Estrada ang $3-M deposito sa Citibank sa Virra Mall, Greenhills, San Juan.

Ang Concerned Lawyers for Moral and Effective Leadership o CLAMOR ang umalerto sa BIR na bantayang mabuti ang mga depositong salapi habang hindi pa nao-audit ang kita ni Velarde at Kelvin Garcia na pinalalagay na ito ay kay Erap, gayundin ang deposito nina Dra. Loi Ejercito, Guia Gomez, Laarni Enriquez at Joy Melendrez. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANG CONCERNED LAWYERS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF FINANCE

FINANCE UNDERSECRETARY CORNELIO HIZON

FRANCIS PANGILINAN

GUIA GOMEZ

JOSE VELARDE

JOY MELENDREZ

KELVIN GARCIA

LAARNI ENRIQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with