Ang pagpapalabas ng HDO ay batay sa kahilingan ng Ombudsman sa DOJ para pigilan na makalabas ng bansa sina Estrada, asawa nitong si Dra. Loi Ejercito; anak na si San Juan Mayor Jinggoy; dating Budget Secretary Benjamin Diokno; Jimmy Policarpio; Edward Serapio; Raul de Guzman; dating Executive Secretary Ronaldo Zamora; Charlie "Atong" Ang; jueteng auditor Yolanda Ricaforte; Victor Savellano; Caroline Pilar; Antonio Giondran; Enrie Mendoza; Leonila Tadera; Estrella Mercurio; Dionesia Pesaro; Cornillo Almasan; Erlita Aroe at Maricar Pas at Marina Atendido
Ang inisyung HDO ay may kinalaman sa kasong isinampa na plunder, malversation of public funds, bribery, falsification of public documents, anti-graft and corrupt practices at paglabag sa RA 1379 o mas kilala sa bilang unexplained wealth na kasalukuyang nakasampa sa tanggapan ng Ombudsman at handa na sa preliminary investigation.
Sinabi ni Ombudsman Aniano Desierto na bagamat nakalabas na ng bansa sina Ang at Ricaforte, kanila na lamang kakanselahin ang mga pasaporte nito.
Ang mga nasabing kaso ay isinampa ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC); Caucus of Lawyers for Eraps Abrupt Resignation (CLEAR) at Graft Free Philippines laban sa mga nasabing respondent kaugnay sa P150-M tobacco excise tax at isyu sa jueteng. (Ulat ni Grace Amargo)