‘Kudeta’ sa House hinarang

Nahadlangan kahapon ni House of Representatives Speaker Arnulfo Fuentebella ang pagpapalit ng liderato ng kapulungan nang bigla niyang i-adjourn ang sesyon bagaman wala pang isang minuto ang nagdaraan matapos magsagawa ng roll call.

Nagpatawag din si Fuentebella ng caucus para sa mga mambabatas na kanyang kaalyado sa loob ng kanyang opisina. Gayunman, isang resolusyon ang nilagdaan ng 135 kongresista na humiling ng pagbalasa sa House. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments