Cronies ni Erap di makakalabas

Ang mga cronies ni dating Pangulong Joseph Estrada ay hindi basta-basta makakaalis ng Pilipinas kung wala itong pahintulot umano mula kay Jet Agana, isang BI Technical Assistant na nakatalaga sa NAIA-BI Intelligence Unit. Samantala, umalis ng bansa sina Tourism Undersecretary Orestes Ricaforte at asawang si Yolanda na sinasabing jueteng auditor ni Estrada.

Sinasabing si Yolanda ay nag-disguise umano para hindi mapansin ng mga nakakakilala sa kanya sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2 habang paalis ng Pilipinas.

Ang apat na cronies ni Estrada ay nakilalang sina Reynaldo ‘Butch’ Tenorio, pangulo ng Philippine Amusement and Gaming Operation Corp. (PAGCOR), Lucio Go, sinasabing may-ari ng Duty-Free Shops sa bansa, Eduardo ‘Moonie’ Lim Jr., sinasabing sa BW Resources Corp. at William Gatchalian. (Ulat ni Butch Quejada)

Show comments