^

Bansa

Atong tumakas papalabas ng bansa

-
Tumakas na palabas ng bansa si Charlie "Atong" Ang, ang kontrobersyal na crony ng pinatalsik na Pangulong Joseph Estrada sakay ng eroplanong Cathay Pacific flight na umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga.

Si Ang, 43, ng #18 Manansala St., Corinthian Village, Quezon City ay umalis ng bansa dakong alas-6:47 ng umaga sakay ng flight CX-904 patungong Hong Kong.

Si Ang, may hawak ng Philippine passport #DD065712, base sa Cathay Pacific passengers’ manifest ay kinumpirmang nakaupo sa business class seat #11K at pansamantalang titira sa Hyatt Hotel, HK.

Magugunita na ang hidwaan sa pagitan ni Ang at Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson ang nagsimula ng iskandalo ng jueteng na nagbigay-daan upang mabuksan ang imbestigasyon na isinagawa ng Kamara tungo sa iniharap na impeachment case laban kay dating Pangulong Estrada. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

CATHAY PACIFIC

CORINTHIAN VILLAGE

HONG KONG

HYATT HOTEL

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

MANANSALA ST.

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PANGULONG ESTRADA

SI ANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with