Ito ang inihayag ni Melo Santiago, isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Estrada, matapos dumalaw sa dating Pangulo sa Presidential Residence kahapon ng tanghali bago ito umalis sa Palasyo kasama ang miyembro ng kanyang pamilya.
Sinabi ni Santiago na ang pagpapabukas ng kontrobersyal na envelope na tinutulan ng 11 senador na pabuksan ang siyang magpapatunay na ang depositong salapi ay hindi talaga sa kanya.
Ang pagtanggi ng mayorya ng pagpapabukas ng envelope ang siyang nagbunsod sa malawakang paglulunsad ng People Power II na nagwakas sa pagpapaalis sa puwesto kay Estrada at ang pagtatalaga sa dating Bise-Presidente bilang kapalit na lider ng bansa. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)