Anak ni Erap sumama na rin sa oposisyon
January 20, 2001 | 12:00am
Sumama na rin sa mga nananawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada sa puwesto ang anak niya kay Rose Dungca na si Josephine Rose (JR).
Umakyat na rin sa entablado sa EDSA Shrine kamakalawa ng gabi si JR at nagsalita sa harap ng daan-daan libong tao na tatlong araw at gabi nang nagtitipun-tipon sa naturang lugar para igiit ang pagbaba ni Estrada sa puwesto.
Sinabi ni JR na pinatotohanan ng dami ng tao sa paligid ng EDSA Shrine na ayaw na ng taumbayan sa kanyang ama bilang Pangulo kaya dapat na itong magbitiw.
"Tatay, mag-resign ka na at pakinggan mo ang panawagan ng sambayanan para matahimik na ang ating bayan at ang iyong buhay," wika pa ni JR na nagdagdag na isang sinungaling si Estrada dahil itinatwa siya nito bilang anak nito kay Dungca. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 20 hours ago
By Doris Franche-Borja | 20 hours ago
By Ludy Bermudo | 20 hours ago
Recommended