Ayon kay Quezon City Rep. Marcial Punzalan, wala na sa posisyon si Pangulong Estrada upang magpatawag ng Snap Election.
Hindi umano naaayon sa Konstitusyon ang panawagan ng Presidente at ang dapat nitong gawin ay sundin ang panawagan ng taumbayan na bumaba sa puwesto.
Ayon naman kay dating Rep. Edcel Lagman, hindi katanggap-tanggap ang Snap Election lalo nat ang nagmumungkahi nito ay isang talunan.
Sinabi naman ni dating Bulacan Governor Roberto Pagdanganan na ang snap election ang huling baraha ni Estrada upang lokohin ang mamamayan.
Isa umano itong desperadong hakbang sa panig ng Pangulo.
Ayon naman kay Sen. Loren Legarda, maaaring pag-aralan ang nasabing mungkahi, subalit ang mas dapat ngayong unahin ng presidente ay pakinggan ang sigaw ng mga tao sa EDSA. (Ulat ni Marilou Rongalerios)