^

Bansa

Snap election tinanggihan

-
Tinanggihan kahapon ng United Opposition ang mungkahing Snap Election ni Pangulong Joseph Estrada.

Ayon kay Quezon City Rep. Marcial Punzalan, wala na sa posisyon si Pangulong Estrada upang magpatawag ng Snap Election.

Hindi umano naaayon sa Konstitusyon ang panawagan ng Presidente at ang dapat nitong gawin ay sundin ang panawagan ng taumbayan na bumaba sa puwesto.

Ayon naman kay dating Rep. Edcel Lagman, hindi katanggap-tanggap ang Snap Election lalo na’t ang nagmumungkahi nito ay isang talunan.

Sinabi naman ni dating Bulacan Governor Roberto Pagdanganan na ang snap election ang huling baraha ni Estrada upang lokohin ang mamamayan.

Isa umano itong desperadong hakbang sa panig ng Pangulo.

Ayon naman kay Sen. Loren Legarda, maaaring pag-aralan ang nasabing mungkahi, subalit ang mas dapat ngayong unahin ng presidente ay pakinggan ang sigaw ng mga tao sa EDSA. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

AYON

BULACAN GOVERNOR ROBERTO PAGDANGANAN

EDCEL LAGMAN

LOREN LEGARDA

MARCIAL PUNZALAN

MARILOU RONGALERIOS

PANGULONG ESTRADA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY REP

SNAP ELECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with