^

Bansa

Para bumalik ang prosecutors, Erap humarap daw sa trial

-
Maaaring magbago ng isip ang nagbitiw na 11 kongresistang prosecutor sa paglilitis sa kasong impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada kung haharap ito sa Senado para sumagot sa mga akusasyon.

Sinabi ng isa sa mga prosecutor na si Makati Rep. Joker Arroyo na baka bawiin nila ang kanilang pagbibitiw kung maipapangako ng mga abogado ni Estrada na pahaharapin nila sa paglilitis ang kanilang kliyente.

Sinabi ni Arroyo na matagal na niyang pangarap na ma-cross examine si Estrada.

Sinabi naman ni Sigrid Fortun, isa sa mga abogado ni Pangulong Estrada sa isang panayam sa telebisyon na hindi nila maaaring pagbigyan ang kapritso ng prosecution. Kaugnay nito, nagkaroon naman ng deadlock sa isinasagawang pag-uusap ng liderato ng House of Representatives sa pangunguna ni House Speaker Arnulfo Fuentebella at ng mga miyembro ng panel.

Naging matatag ang mga miyembro ng prosecution na huwag bawiin ang kanilang irrevocable resignation.

Iginiit naman ni Fuentebella na hindi sila magtatalaga ng mga bagong prosecutor. Dapat anyang magpatuloy sa kanilang tungkulin ang grupo ni Arroyo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SPEAKER ARNULFO FUENTEBELLA

JOKER ARROYO

MAKATI REP

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ESTRADA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SIGRID FORTUN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with