^

Bansa

Pintasero

-
Marami ang nagsasabi na hindi parehas si Erap kung tratuhin ang tunay na asawa kaysa sa kanyang mga babae. Mas maunawain, malambing at madaling mabagbag umano ang kalooban ni Erap sa kahilingan ng kanyang mga babae kaysa sa kahilingan ng asawang si Loi. Madali umanong mabali ang ilong nito kapag ang kabit na niya ang nakiusap.

Ayon sa mga bali-balita, hindi na gaanong nasaktan ang loob ni Loi sa relasyon nina Erap at Laarni. Natanggap niya ito nang maluwag sa dibdib noon. Subalit nang masagap ang balitang ang batambatang si Joy Melendrez ang kinalolokohan ni Erap ay nag-alma umano ito at nagbantang makikipaghiwalay muli. Balak muling umalis patungong United States. Ang nakapigil lamang umano kay Loi ay ang mga anak niyang sina Jinggoy, Jackie at Jude. Si Joy Melendrez gaya nang nabanggit na ng lathalaing ito ay dating estudyante ng Miriam College. Nakilala umano ni Erap si Joy sa tinatambayang club. May isang anak (lalaki) si Erap kay Joy.

Lahat ay gagawin ni Erap basta natipuhan niya ang isang babae. Ibibigay ang anumang gusto. At kapag nakuha ang babae, hindi na ito dapat tumingin pa sa ibang lalaki. Pag-aari na niya at dapat ay siya lamang ang dapat pagsilbihan. Ipinakita niya ito kay Laarni Enriquez at Joy Melendrez. Masaya siya sa dalawang babaing ito. Tungkol kay Rowena Lopez, isang stewardess ng Philippine Air Lines ay hindi pa umano gaano ang pagkahumaling ni Erap. Ganoon pa man, may bali-balitang apat na buwang buntis na umano si Rowena at nasa US na at doon balak manganak.

Bukod sa ugaling seloso sa kanyang babae, may kakaiba rin naman umanong ugali si Erap kung tungkol pa rin sa babae ang pag-uusapan. Ito umano ay ang pagiging pintasero nito. Sa pakikipagkuwentuhan umano sa mga kaibigan ay walang pigil nitong sinasabi ang mga nakikitang kapintasan ng babae. Minsan daw ay nagtatawa pa umano si Erap habang ikinukuwento ang kapangitan ng babae. May isa umanong babaing miyembro ng Gabinete noon na lihim na nakatitikim ng pag-alipusta kay Erap sapagkat pinagtatawanan nito ang korte ng legs. Ang babaing miyembro ng Gabinete umano ay mahilig magsuot ng mini skirt. Sinabi umano ni Erap na sana’y hindi na lang ito nagmi-mini sapagkat hindi naman maganda ang legs. Naghagikgikan umano ang mga kausap na kaibigan ni Erap. Usapang lalaki na kapag nahaluan ng espiritu ng alak, hindi mapigilan ang dila ni Erap sa pagkukuwento sa mga kapintasan ng babae. (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE

ERAP

GABINETE

JOY MELENDREZ

LOI

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with