DH sa UAE absuwelto sa bitay
January 17, 2001 | 12:00am
Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 20-anyos na Pinay domestic helper matapos pawalang sala ng Shariah court ang kasong pagpatay sa amo nitong Arabo noong 1999 sa Dubai, UAE na tangkang humalay sa kanya.
Sa ulat na nakarating kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma mula sa Labor Attache Carmelita Arriola pinawalang sala ng Ras Al Khaimah Shariah Criminal Court si Mary Jane Ramos ng San Agustin, Isabela.
Dalawang araw pa lang naninilbihan sa among si Mohammad Al Shamsi Al Kaihman.
Tinangka na agad siyang gahasain ni Kaihman na noon ay lango sa alak. Nakadampot ng patalim si Ramos at sinaksak nito ang amo at kanya itong napatay.
Napatunayan ng korte na pinagtanggol lang ni Ramos ang kanyang kapurihan kaya napatay nito ang amo. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 10, 2024 - 12:00am