Di abogado si Erap kaya hindi makakaharap sa trial

Ipinaliwanag kahapon ni Presidential Consultant for Political Affairs Lito Banayo na hindi isang abogado si Pangulong Joseph Estrada kaya hindi ito haharap sa impeachment court para sagutin ang mga akusasyon laban dito.

Sinabi ni Banayo na, kung magpapalabas ng pahayag ang Pangulo, baka maging mali ang interpretasyon dito ng ibang tao. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments