Yasay inalok ni Erap na tumakbong kongresista

Inalok umano ni Pangulong Joseph Estrada sa pamamagitan ni dating Executive Secretary Ronaldo Zamora na maging kongresista ng unang distrito ng Davao si dating Securities and Exchange Commission Chairman Perfecto Yasay.

Sinabi ni Yasay sa cross-examination sa kanya ng abogado ni Estrada na si Atty. Raul Daza na ginawa sa kanya ng Pangulo ang alok noong Disyembre 1999 para hindi na siya bumalik sa kanyang puwesto noong Enero 2000.

Noon din natapos ang preventive suspension kay Yasay.

Nangako rin umano ang Pangulo na babalikatin nito ang lahat ng kailangang pondo sa pagkandidato ni Yasay sa pagka-kongresista.

Sa kabilang dako, sinabi ni Prosecutor-Congressman Sergio Apostol na, sa mga babae ni Estrada, si Laarni Enriquez pa lang ang ipinatatawag ng impeachment court dahil ito lang ang may subpoena. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments