Ito ang inihayag kahapon ni Atty. Froilan Bacungan, dating dean ng UP College of Law sa ginanap na Kapihan sa Sulu Hotel sa Quezon City.
Sinabi ni Bacungan na walang dahilan para i-ground si Cayetano sa impeachment trial dahil ang proseso nito ay pulitikal at hindi "judicial in nature".
Una rito, inakusahan ni Cayetano nitong Miyerkules si Estrada na hiniling umano sa kanya na pawalang-sala ang mga pangunahing akusado sa Vizconde massacre. Si Cayetano ang tumayong isa sa abogado ng mga Vizconde.
Kabilang sa mga akusado sa Vizconde massacre ay sina Hubert Webb, anak ni dating Senador Freddie Webb na isa sa mga kaibigan ni Estrada. Si Webb ay nahatulan ng korte ng habambuhay na pagkabilanggo sa nasabing kaso.
Sakali naman umanong manghimasok ang mga pribadong indibidwal upang ma-inhibit sa pagdinig si Cayetano, sinabi in Bacungan na mababasura rin ito dahil sa isyu ng pulitika ang usapin. (Ulat ni Joy Cantos)