Jose Mari di pa lusot
Kailangan pang pagbotohan ng buong House of Representatives ang rekomendasyon ng ethics committee nito na patawan lang ng parusang reprimand sa halip na expulsion si San Juan Congressman Jose Mari Gonzalez kaya hindi pa siya nakakatiyak na mananatili siya sa tungkulin kaugnay ng pananampal niya kay Sergeant-at-Arms Bayani Fabic noong Nobyembre 13, 2000. Ito ang idiniin kahapon ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo na nagsabi pa na kailangan ni Gonzalez ng 2/3 na boto ng House para mapagtibay ang parusang reprimand. Maaari anyang gamitin ng mga kongresista ang kanilang kunsiyensiya para bigyan ng nararapat na hatol si Gonzalez dahil sa ginawa nito kay Fabic na napanood ng buong bansa sa telebisyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)