Senator-judge may death threat
January 13, 2001 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ni Senator-Judge Renato Cayetano sa impeachment court na tumanggap siya ng isang sulat na nagsasaad na papatayin na rin siya.
Hindi binanggit sa sulat kung sino ang nagpadala nito pero sinasabi rito na napagkaisahan ng grupo nito na pinangungunahan ng isang Ka Basil RHB III na papatayin siya ng mga ito kapag hindi niya ipinamahagi sa mahihirap ang kinita niyang P70 milyon sa Best World Resources. May kasamang bala ang sulat na nakapaloob sa isang envelope ng LBC.
Samantala, hinamon ni Cayetano ang Senado na unahing imbestigahan sina Senators John Osmeña at Tessie Oreta na tumanggap ng tig-P1 milyong balato sa jueteng bagaman hindi siya natatakot na maimbestigahan sa umanoy pagbili niya ng shares sa kontrobersyal na BWR nang hindi nagbabayad. Iginiit ni Cayetano na, kailanman, hindi siya humingi o nagkaroon ng shares of stocks nang hindi nababayaran. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest