Erap laging nasasangkot sa gulo
January 12, 2001 | 12:00am
Maraming beses umanong na-sang-kot si Erap dahil sa mga kaguluhan na nag-hahatid sa kanya sa presinto ng pulisya. At kahit na umano nasa presinto na ito ay astang mayabang pa rin kahit nasa harap na ng mga pulis. Kakasa pa rin at mataas umano ang boses.
Ang pangyayari sa restaurant sa Roxas Blvd. noon na muntik na siyang ma-dedo dahil pinalo siya ng baril sa ulo ay nasundan pa umano nang maraming beses. Sadyang nakiki-pagpatintero siya sa panganib. Hindi marunong mata-kot at magtanda.
Isang pangyayari pa ang naganap umano noong kalagitnaan ng 1961 kung saan ay nadawit din ang pangalan ni Erap dahil din sa isyu ng baril. Kainitan ng career ni Erap noon at ganoon din ng relasyon niya sa isang aktres. Madugo ang pangyayari noon sapagkat nabaril at napatay ang isang kaibigan ni Erap na nagngangalang Boy Sta. Romana. Naganap umano ang barilan sa may LVN Productions.
Mainit umano ang ulo ni Erap noon sapagkat nagselos ito sa nobyang aktres. Diumano ay nakita ni Erap na nakikipag-usap sa isang lalaki ang kanyang nobyang aktres. Kapag nagseselos umano si Erap ay naglalasing. Sinaktan umano ni Erap ang nobyang aktres. Nag-iiyak ang aktres matapos saktan at nagkulong sa kuwarto. Subalit pagkatapos naman noon ay lumambot ang loob ni Erap at marahil ay naunawaan na mali ang ginawa nito sa nobya. Sinundan umano ni Erap ang nobya at inamu-amo ito.
Ang hindi umano alam ni Erap, nalaman pala ng lalaking pinagselosan nito ang ginawang pananakit sa aktres at sinundan sila sa LVN. Nagsama pa ng pulis ang lalaking pinagselosan ni Erap. Nang dumating ang mga ito sa LVN ay si Boy Sta. Romana naman ang inabutan sa gate. Doon nagkaroon ng komprontahan. Kinuha umano ni Sta. Romana ang baril ni Erap sa kotse nito at nakipag-draw sa lalaki at sa mga pulis. Bumulagta si Sta. Romana sa tama ng bala. Isang pulis naman ang nasugatan sa labanang iyon.
Hindi naman umano alam ni Erap ang nangyayari sa labas sapagkat abala nga siya sa kanyang nobyang aktres dahil inaamu-amo o humihingi ng tawad. Nang lumabas sila ay saka nalamang patay na si Sta. Romana. Doon nalaman na baril pala ni Erap ang ginamit ni Sta. Romana. Inimbitahan sa police headquarters si Erap. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am