^

Bansa

Aide ni Laarni tiklo

-
Isang umano’y aide ng isa sa mga kalaguyo ni Pangulong Joseph Estrada ang inaresto kahapon ng mga awtoridad ng Ninoy Aquino International Airport dahil sa tangkang pagpuslit palabas ng bansa ng halagang P6 na milyon nang walang kaukulang permiso mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Juancho Mendiola, 36, residente ng 196 Maude St., San Juan, Metro Manila. May dala umano siyang black bag na naglalaman ng naturang pera habang papasakay sa eroplanong flight PR-302 ng Philippine Airlines patungong Hong Kong bandang alas-7:00 ng umaga.

Nabatid na lulan din ng naturang eroplano ang dating aktres at kalaguyo ni Estrada na si Laarni Enriquez. Dapat sana itong umalis ng alas-6:45 ng umaga pero naantala at nakalipad lang bandang alas-8:00 ng umaga dahil sa kaguluhan sa pagkakadakip kay Mendiola.

Pinabulaanan ni Mendiola sa mga awtoridad na tauhan siya ni Enriquez pero binanggit niya na sa paliparan sa Hong Kong, susunduin siya ng isang lalaki na magbabayad sa kanya ng P5,000 kapalit ng pagdadala niya sa P6 na milyong salapi.

Nahaharap naman sa contempt si Enriquez dahil umalis siya ng bansa bagaman may subpoena sa kanya para sa pagharap niya sa paglilitis ng Senado sa kasong impeachment laban sa Pangulo.

Nabatid din na hiniling ng prosecutors na magpalabas ang korte ng hold-departure order laban kay Enriquez.

Samantala, isang kaibigan ni Enriquez na si Ofelia Que ang nagsabi sa dzMM na nasasaktan at umiiyak ang dating aktres dahil sa bintang na nakatago sa bank account nito ang umano’y ill-gotten wealth ni Estrada. (Ulat nina Butch Quejada, Doris Franche)

vuukle comment

BANGKO SENTRAL

BUTCH QUEJADA

DORIS FRANCHE

ENRIQUEZ

HONG KONG

JUANCHO MENDIOLA

LAARNI ENRIQUEZ

MAUDE ST.

MENDIOLA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with