Sinabi ni Uy sa kanyang sulat kay Senate President Aquilino Pimentel Jr. na nagpasya siyang lumantad dahil lumilitaw na ang mukha niya ang ginamit ng isang Eleuterio Tan na kabilang sa mga dummy na ginamit ni Ang sa pag-withdraw ng P40 milyon sa Land Bank of the Philippines para kay Pangulong Joseph Estrada.
Pero hindi anya ito problema dahil hindi mabubura ang mga rekord nito sa banko.
Mas mahalaga anyang malaman kung sino ang nagbigay ng awtorisasyon na maglabas ng pera sa naturang account. (Ulat ni Malou Rongalerios at Doris Franche)