Air strike hahadlangan ng PAF
January 10, 2001 | 12:00am
Pinagtawanan lang kahapon ni Philippine Air Force Chief Lt. Gen. Benjamin Defensor ang ulat na ilang miyembro ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa ang nagbabantang gumamit ng mga eroplano para bombahin ang Malacañang at pilitin si Pangulong Joseph Estrada na magbitiw sa puwesto.
Ayon sa tagapagsalita ng PAF na si Col. Horacio Lapinid, haharangin nila ang naturang banta sakali mang totoo ang ulat.
Tiniyak din niya na sumusunod sila sa Konstitusyon kaya hindi magmumula sa kanila ang pambobomba sa Malacañang. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest