Testimonya ni Yulo ayaw ng defense panel
January 9, 2001 | 12:00am
Tumanggi ang defense panel na isalang ng prosecution panel sa witness stand si dating Philippine Stock Exchange President Jose Luis Yulo na siya ring idinidiin ng Malacañang na bumili ng Boracay mansion sa Quezon City para iligtas si Pangulong Joseph Estrada sa iskandalo.
Ayaw din ng mga abogado ni Estrada na tumestigo sa impeachment trial laban dito sina dating PSE Compliance and Surveillance Group Vice President Ruben Almadro at ang dating executive assistant ni Yulo na si Maryanne Corpuz. Isinampa ng defense panel sa impeachment court ang motion to quash para harangin ang testimonya ng tatlong personahe.
Sinabi ng prosecution na kailangang maiharap sa korte ang tatlo para ipakita na nagkaroon ng kahina-hinalang galaw noong 1999 sa presyo at trading volume ng Best World Resources Corporation na pag-aari ng kaibigan ni Estrada na si Dante Tan.
Nauna rito, ibinunyag ni dating SEC Chairman Perfecto Yasay na, noong nasa tungkulin pa siya, limang beses siyang tinawagan ng Pangulo sa telepono para linisin ang pangalan ni Tan sa imbestigasyon ng SEC sa BW Resources. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest