^

Bansa

Trial ginulo ng 2 Delia Rajas

-
Ginulo ng dalawang Delia Rajas ang paglilitis ng Senado sa kasong impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada.

Isang testigo ng prosecution na si Ma. Caridad Rodenas, kahera ng Land Bank of the Philippines, ang umikot nang 15 minuto sa gallery ng Senado para kilalanin si Rajas na nagbukas ng account at nag-withdraw ng halagang P40 milyon sa Shaw Boulevard branch ng LBP pero hindi niya ito nakita bagaman naunang tiniyak ng abogado ng Pangulo na si Atty. Sigfrid Fortun na naroon nang mga oras na iyon si Rajas.

Ang nabanggit na pera ay bahagi umano ng excise tax sa tabako na inilagak nina Ilocos Sur Governor Luis Singson at kaibigan ni Estrada na si Charlie "Atong" Ang sa banko para sa Pangulo.

Kailangan pang paupuin ng mga senador-hukom ang mga nanonood sa gallery at ipasara ang mga pintuan sa session hall habang umiikot si Rodenas dito para hanapin si Rajas.

Pero sinabi ni Rodenas sa korte kinalaunan na wala si Rajas sa gallery bagaman nauna niyang tiniyak kay Fortun na makikilala niya si Rajas batay sa una nilang pagkikita.Nagkaroon ng mga pagtatalo nang lituhin ni Fortun ang mga senador-hukom sa kanyang mga tanong kay Rodenas. Sinabi ni Fortun na nais lang niyang mapatunayan na kilala ni Rodenas si Rajas.

Sinabi nina Senators Loren Legarda, Rodolfo Biazon at Raul Roco na dapat i-cite for contempt si Fortun dahil sa misrepresentation nang sabihin nito na nasa gallery ang Rajas na nasa litratong iprinisinta ng prosecution. Malinaw umanong niloloko at nililito ng defense panel ang impeachment court.

Tinawag naman ni Fortun ang sinasabi niyang Delia Rajas na nasa gallery na para kay Roco ay totoong Delia Rajas matapos na hindi ito maituro ni Rodenas.

Humarap ang naturang Rajas na nagpakilalang kusinera ng pamilya ni Ang. May 35 anyos na siya, tubong Camarines at nagtapos lang ng grade 6 sa elementarya.

Lumitaw sa pagtatanong ng ilang senador na kinausap ni Fortun si Rajas para humarap sa impeachment court at linisin ang kanyang pangalan na nasangkot sa naturang kaso.

Sinabi ni Rajas na inihatid siya ng kapatid ni Ang na si Allan sa Makati City bago siya sinundo ng dalawang babaeng sina Ma. Cecilia Asuncion at Miss Caballero sakay ng Toyota Revo patungo sa Senado. Ang mga kasamahan din ni Rajas ang pumirma para sa kanya sa guest book ng korte.

Iginiit ni Rajas na wala siyang pagkakataon na linisin ang kanyang pangalan mula nang malantad noong Oktubre 2000 ang pagkakasangkot ni Estrada sa jueteng payola.

Sinasabi naman ni Prosecutor-Congressman Oscar Moreno na pawang mga dummy lang ni Ang sina Rajas, Alma Alfaro at Eleuterio Tan at hindi totoo ang pangalan ng mga ito nang magbukas ng account sa LBP.

Sa pagtatanong din ni Sen. Renato Cayetano, hindi ang nakilala niyang Delia Rajas ang Delia Rajas na tinawag ni Fortun at ipinakilala sa impeachment court.

Samantala, sa labas ng Senado, pumutok ang mga labi ng driver ng isang shuttle bus ng kapulungan nang isugod sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay City makaraang upakan siya ng mga miyembro ng militanteng grupo na nagsasagawa ng noise barrage sa naturang lugar.

Ilang saksi ang nagsabing nagmamartsa ang mga miyembro ng Bayan Muna, Gabriel at iba pa patungo sa harapan ng Senado nang biglang humarang sa kanilang daraanan ang papalabas na shuttle ng Senado na minamaneho ni Mohammad Adam.

Kinompronta ni Tedde Casino ng Bayan si Adam pero, nang makita ng ilang mga nagra-rally na may hinawakang ice pick at tubo ang huli, sinugod nila ito na at inupakan. (Ulat nina Doris Franche at Rose Tamayo)

ALMA ALFARO

BAYAN MUNA

DELIA RAJAS

FORTUN

NANG

RAJAS

RODENAS

SENADO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with