Air Strike sa Malacañang banta ng RAM
January 7, 2001 | 12:00am
Pagkalipas ng labing-isang taon, balak umanong ulitin ng Reform Armed Forces Movement (RAM) ang pagsasagawa ng air strike sa Malacañang na kanilang ginawa noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Ayon sa source na isang opisyal ng Air Force Intelligence, na kasalukuyang kumikilos, ang nasabing grupo at napakalakas ng puwersa nito na hindi dapat baliwalain.
Sinabi pa ng source, bukod sa mga retiradong heneral na konektado sa RAM mayroon ding mga opisyal ng militar at pulisya na kasalukuyang nasa serbisyo ang maaaring magsagawa ng air strike at ground strikes na kanilang sorpresang ginawa sa pamahalaang Aquino.
Muntik hindi matapos ni Aquino ang kanyang termino bilang Presidente kung hindi nakialam ang US air force at ang pagiging tapat noon ng dating PSG Chief Gen.Voltaire Gazmin.
Handa na ang RAM sa paglulunsad ng air strike kung sakaling magkaroon ng kaguluhan sa magiging resulta ng impeachment ni Estrada.
Magugunita na maraming opisyal ng PNP na konektado sa RAM ang sinibak sa puwesto at pinatapon sa Mindanao habang ang iba ay na-demote.
Samantala agad namang nilinaw ni ret. Navy Captain Proseso Maligalig,tagapag-salita ng RAM sa isang panayam sa telepono na wala silang plano na maglunsad ng air strike.
Bagamat determinado ang kanilang grupo sa pagsusulong ng pagbibitiw ni Estrada ay hihintayin nila ang magiging resulta ng impeachment trial bago sila gumawa ng kaukulang hakbang na naaayon sa damdamin ng mamamayang Filipino. (Ulat nina Wilfredo Suarez at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest