^

Bansa

Bank account nina Guia at Laarni mas malaki - Joker

-
Mas malaki umano ang perang nakadeposito sa bangko ng mga "babae" ni Pangulong Estrada kaysa tunay nitong asawang si First Lady Luisa "Loi" Ejercito.

Ito ang naging pahayag sa panayam kahapon ng DZRH kay Makati Congressman Joker Arroyo kaugnay sa nabunyag na binigyan umano ng P8 milyon ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson si Loi.

Ayon kay Joker mas malaki umano ang perang naibigay kina Guia Gomez at Laarni Enriquez kung ikukumpara sa tunay na asawa ng Pangulo.

"Ang mas malalaki ay sa ibang pamilya ng Pangulo,mas malalaki yun,mga milyon.Mas mataas ang kay Guia kumpara kay Laarni" wika ni Arroyo.

Sinabi pa nito na mas maliit ang ibinibigay naman kumpara sa dalawa pang pamilya ni Estrada na sina Weng Lopez at Joyce Melendez.

Subalit hindi naman ibinunyag ni Arroyo ang specific na halaga ng perang ibinibigay sa nasabing mga ‘babae’ ni Erap dahil sa hindi naman ito piniprisinta bilang ebidensiya.

Hindi pa rin napaplano ng prosecution panel kung ipiprisinta ang statement of assets and liabilities ng mga ‘babae’ ni Erap.

Nauna rito binunyag din ni Singson ang isang pang ‘babae’ ni Erap na si Joelle Pelaez,dating 2nd runner-up ng Binibining Pilipinas na binigyan ng balato na P2 milyon matapos na manalo sa casino sa loob ng barko.

Samantala sinabi rin ni Arroyo na walang silbi kung ipapatawag pa nila sina Loi at anak nitong si San Juan Mayor Jinggoy Estrada para humarap sa impeachment dahil sapat na umano ang mga ebidensiya na kanilang naiprisinta at bahala na silang magpaliwanag sa mamamayan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

BINIBINING PILIPINAS

ERAP

FIRST LADY LUISA

GUIA GOMEZ

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

LOI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with