Tan at Rajas totoo - Saksi
January 6, 2001 | 12:00am
Kinumpirma kahapon ng dalawang testigo ng prosecution sa impeachment court na totoong may mga nagngangalang Eleuterio Tan at Delia Rajas sa bansa na kapwa tauhan ng Power Management Consultancy Agency Inc. na pinamamahalaan ng kaibigan ni Pangulong Joseph Estrada na si Charlie "Atong" Ang.
Pinatunayan ni Eleonor Madrid, hepe ng license section ng Land Transportation Office na nag-apply sa kanila ng lisensya si Tan. Kalakip ng kanyang testimonya at mga dokumento hinggil sa pagkatao ni Tan.
Sinabi rin ni Gwen Marie Judy Domol Samontina, assistant vice president at hepe ng record section ng Social Security System, na lumilitaw sa kanilang mga rekord na empleyado ng naturang kumpanya si Rajas.
Nauna rito, sinabi ni Ilocos Sur Governor Luis Singson na kabilang sina Tan at Rajas sa nag-withdraw mula sa Land Bank ng P130 milyong nagmula sa P200 milyong bahagi ng lalawigan sa tobacco excise tax.
Sinasabi pa ni Singson na tumanggap umano sa naturang pera ang Pangulo at ilang miyembro ng pamilya nito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 20 hours ago
By Doris Franche-Borja | 20 hours ago
By Ludy Bermudo | 20 hours ago
Recommended