Miriam lumambot sa 3 miron
January 6, 2001 | 12:00am
Pumayag na si Senador Miriam Defensor-Santiago na papasukin muli sa Senado ang tatlong miron na sina Dante Jimenez ng Volunteer Against Crime and Corruption, Rosanna Fores na isang kamag-anak ng asawa ni Vice President Gloria Arroyo; at Betina Aboitiz na isang kagawad ng Barangay Forbes sa Makati City.
Sinabi ni Santiago na payag na siyang umupo sa gallery ng session hall at manood sa paglilitis sa kasong impeachment ni Pangulong Joseph Estrada ang tatlo bastat susundin ng mga ito ang mga regulasyon ng korte tulad ng pananahimik.
Idiniin ni Santiago na kailangan lang ipatupad ang disiplina tulad ng pagbabawal sa pagtawa at paglikha ng ibang ingay dahil nakakaabala ito sa pagdinig pero hindi anya ito nangangahulugan na hindi na maaaring gumalaw ang audience sa gallery. Idinagdag niya na gagawa siya ng paraan sa Lunes para makapanood muli ang tatlo nang walang kundisyon.
Pinag-initan ni Santiago ang tatlong miron nang inakala niyang tinitingnan siya ng mga ito nang masama at nagtayuan habang tinatanong ni Senador-Judge Raul Roco ang isang testigo kamakalawa. (Ulat nina Doris Franche at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest