P2-M reward laban sa Metro bomber
January 4, 2001 | 12:00am
Itinaas kahapon ni Department of Interior and Local Government Secretary Alfredo Lim sa P2 milyon ang gantimpala sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan o mapagkikilanlan sa mga utak at nagsagawa ng pambobomba sa Metro Manila na ikinamatay ng 18 tao at ikinasugat ng mahigit 90 noong Sabado.
Sinabi ni Lim sa taunang courtesy call ng lahat ng attach agencies ng DILG na naniniwala siya na, sa pagtaas niya ng reward mula sa dating P1 milyon, ipagkakanulo ng ilang mga suspek ang sinumang utak sa pambobomba.
Sinabi pa ni Lim na, bukod sa salaping gantimpala, bibigyan ng ganap na proteksyon ang sinumang magtuturo sa mastermind ng pambobomba at pagkakalooban din ito ng immunity sa pag-uusig.
"Maging ang kanyang pamilya ay bibigyan din natin ng proteksyon para matiyak ang kanilang kaligtasan sa sandaling ituro ang utak sa karahasan," sabi pa ng kalihim.
Kasabay nito, sinabi ni Philippine National Police Chief Director General Panfilo Lacson na marami pang sangkot sa naturang pambobomba ang kanilang madadakip sa linggong ito.
Sa isang hiwalay na panayam sa radyo, sinabi ni Lacson na meron na silang physical evidence laban sa mga suspek.
Nabatid sa panimulang imbestigasyon na isang kilong black powder na may timing device ang taglay ng bombang ginamit ng mga salarin.
Kaugnay pa nito, sinabi ni Metro Manila Police Director C/Supt. Edgar Aglipay na nauubos ang oras ng mga pulis sa kareresponde sa mga pekeng bomb threat kasunod ng naganap na pambobomba noong Sabado pero kailangan pa rin silang tumugon at magberipika sa mga banta para mapangalagaan ang mga inosenteng sibilyan.
Sinabi rin kahapon ni Akbayan Rep. Loretta Ann Rosales na dapat pangunahan ng House of Representatives ang imbestigasyon sa pambobomba dahil, bukod sa abala ang Senado sa paglilitis sa kasong impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada, duda ang taumbayan sa PNP.
Samantala, inaakusahan kahapon ni dating Central Luzon police Director C/Supt. Diony Ventura si Metro Manila Development Authority Chairman Jejomar Binay nang umanoy pagbigay ng 2,000 pesos sa 11-anyos niyang anak na si Emil Michael Vincent para paaminin ito sa pambobomba sa Makati noong Sabado.
Sinabi ni Ventura na dumanas ng trauma si Emil matapos itong arestuhin, pagpasa-pasahan at kuwesyunin ng mga pulis.
Sinabi ni Ventura na, bukod kay Binay, sasampahan niya ng kasong bribery, illegal detention, human rights violation, at paglabag sa rules of engagement ang mga pulis ng Makati City at ang mga guwardiya ng Dusit Hotel sa naturang lungsod.
Sinikap na makuha ang panig ni Binay pero sinabi ng kanyang staff na si Metro Manila Police Director /Supt. Edgar Aglipay na lang ang kausapin. Pinabulaanan din ng isang opisyal ng Makati Police ang akusasyon ni Ventura.
Samantala, sinabi kahapon ni Pangulong Joseph Estrada na kilala na ng pulisya ang mga responsable sa pambobomba at maaaring madakip anumang oras mula ngayon ang isa sa mga suspek.
Binatikos naman ni dating Pangulong Fidel Ramos ang naturang pambobomba at ipinagkibit-balikat niya ang pasaring ng Malacañang na may kinalaman siya rito. (May ulat nina Rudy Andal, Joy Cantos, Malou Rongalerios, Lordeth Bonilla, Lilia Tolentino, Ely Saludar at Butch Quejada)
Sinabi ni Lim sa taunang courtesy call ng lahat ng attach agencies ng DILG na naniniwala siya na, sa pagtaas niya ng reward mula sa dating P1 milyon, ipagkakanulo ng ilang mga suspek ang sinumang utak sa pambobomba.
Sinabi pa ni Lim na, bukod sa salaping gantimpala, bibigyan ng ganap na proteksyon ang sinumang magtuturo sa mastermind ng pambobomba at pagkakalooban din ito ng immunity sa pag-uusig.
"Maging ang kanyang pamilya ay bibigyan din natin ng proteksyon para matiyak ang kanilang kaligtasan sa sandaling ituro ang utak sa karahasan," sabi pa ng kalihim.
Kasabay nito, sinabi ni Philippine National Police Chief Director General Panfilo Lacson na marami pang sangkot sa naturang pambobomba ang kanilang madadakip sa linggong ito.
Sa isang hiwalay na panayam sa radyo, sinabi ni Lacson na meron na silang physical evidence laban sa mga suspek.
Kaugnay pa nito, sinabi ni Metro Manila Police Director C/Supt. Edgar Aglipay na nauubos ang oras ng mga pulis sa kareresponde sa mga pekeng bomb threat kasunod ng naganap na pambobomba noong Sabado pero kailangan pa rin silang tumugon at magberipika sa mga banta para mapangalagaan ang mga inosenteng sibilyan.
Sinabi rin kahapon ni Akbayan Rep. Loretta Ann Rosales na dapat pangunahan ng House of Representatives ang imbestigasyon sa pambobomba dahil, bukod sa abala ang Senado sa paglilitis sa kasong impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada, duda ang taumbayan sa PNP.
Samantala, inaakusahan kahapon ni dating Central Luzon police Director C/Supt. Diony Ventura si Metro Manila Development Authority Chairman Jejomar Binay nang umanoy pagbigay ng 2,000 pesos sa 11-anyos niyang anak na si Emil Michael Vincent para paaminin ito sa pambobomba sa Makati noong Sabado.
Sinabi ni Ventura na dumanas ng trauma si Emil matapos itong arestuhin, pagpasa-pasahan at kuwesyunin ng mga pulis.
Sinabi ni Ventura na, bukod kay Binay, sasampahan niya ng kasong bribery, illegal detention, human rights violation, at paglabag sa rules of engagement ang mga pulis ng Makati City at ang mga guwardiya ng Dusit Hotel sa naturang lungsod.
Sinikap na makuha ang panig ni Binay pero sinabi ng kanyang staff na si Metro Manila Police Director /Supt. Edgar Aglipay na lang ang kausapin. Pinabulaanan din ng isang opisyal ng Makati Police ang akusasyon ni Ventura.
Binatikos naman ni dating Pangulong Fidel Ramos ang naturang pambobomba at ipinagkibit-balikat niya ang pasaring ng Malacañang na may kinalaman siya rito. (May ulat nina Rudy Andal, Joy Cantos, Malou Rongalerios, Lordeth Bonilla, Lilia Tolentino, Ely Saludar at Butch Quejada)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended