2 pulis na biktima ng metro bombing pararangalan ng Senado
January 3, 2001 | 12:00am
Nakatakdang bigyan ng parangal ng Senado ang dalawang pulis Makati na nasawi habang dine-diffuse ang isang bomba sa abandonadong gasolinahan noong Sabado sa kanto ng Pasay Road at Edsa,Makati City.
Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel Jr., inihahanda niya ang isang resolusyon para mabigyan parangal at insentibo ang naulila ng mga biktimang sina Makati Police Inspector Nestor Salvador at Spo4 Roberto Gutierrez na kapwa nakatalaga sa Special Weapons and Tactics(SWAT) Explosives and Ordnance Division(EOD).
Ang dalawang pulis ay mabilis na rumesponde matapos makatanggap ng tawag na may bombang iniwan sa nasabing lugar. Sinabi ni Pimentel na hindi inalintana ng dalawang pulis ang kanilang buhay at nasa isip nila ay ang kaligtasan ng mga mamamayan.
"Sa kanilang ipinakitang katapangan at kabayanihan karapat-dapat lamang na sila ay bigyan ng papuri ng mamamayang Pilipino" wika ni Pimentel. (Ulat ni Perseus Echeminada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest