Metro yayanigin ng mga pambobomba
January 3, 2001 | 12:00am
Nagbabala kahapon si Lauro Visconde,Vice Chairman at Spokesman ng Volunteers Against Crime and Corruption(VACC) na may susunod pang pambobomba na magaganap sa Metro Manila para umano iligaw ang atensyon ng publiko sa pagtutok sa kasong kinakaharap ni Pangulong Estrada.
Base sa source ni Visconde target ng mga terorista ay ang mga shopping malls, pampasaherong bus at iba pang pampublikong lugar na kung saan isang asawa ng isang aktibong heneral ng militar ang nasa likod ng naganap na pambobomba.
Dahil sa takot ay pansamantalang nagtungo sa Mindanao para doon magtigil ang asawa ng heneral.
Ang pagbubunyag na ginawa ni Visconde ay para umano mahadlang ang balakin pang pambobomba sa hinaharap.
Tumanggi si Visconde na tukuyin ang pangalan ng asawa ng heneral na umano ay konektado sa isang pribadong kompanya at hindi anti- o pro-Erap.
Sinagot naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Generoso na guni-guni lamang ang pagsasangkot ng VACC sa mga militar na sangkot sa pambobomba na umano ay mga pakawalang preso.
Kahit na sinabi ng AFP na guni-guni lang ang pagsasangkot sa kanila nagpaparamdaman ang karamihang opisyal dahil sa matinding pagbubulgar ni Visconde.
Samantala sinabi ni Batangas Rep. Ralph Recto na kulang umano ang 200 sundalo na ipinadala sa Metro Manila dahil ang kaya nitong ilaan ay 1 porsiyento lamang ng bilang nito para tulungan ang pulisya sa pagbabantay sa Kamaynilaan.
Sinabi naman ni acting Press Secretary Mike Toledo na hindi nila papatulan ang isiniwalat ng VACC at ito ay isang ispekulasyon lamang na nararapat ng masusing imbestigasyon.
Tinanggihan naman ng National Bureau of Investigation(NBI) ang kahilingan ng VACC na sila na ang magsagawa ng imbestigasyon sa bombings.
Ang kahilingan ng VACC sa NBI na sila ang mag-imbestiga dahil sa umano ay kawalan ng pagtitiwala sa PNP.
Sinabi naman ni Ambassador to the US Ernesto Maceda na magpapadala ang Estados Unidos ng forensic expert ng Federal Bureau of Investigation sa Pilipinas para tumulong sa pagsisiyasat sa naganap na pambobomba. (Mga ulat nina Joy Cantos, Malou Rongalerios, Ely Saludar, Grace Amargo, Lordeth Bonilla, Doris Franche, Rose Tamayo at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended