Insurance benefits sa victims ng bus explosion sa EDSA aprub na
January 3, 2001 | 12:00am
Inatasan na ng Insurance Commission ang Capital Insurance Company na bayaran ng kaukulang halaga ng insurance benefits ang mga nabiktima ng pagsabog ng Edsan Bus kamakailan sa EDSA, Quezon City.
Naka-insure sa Capital Insurance Company ang Edsan Bus na pag-aari ni Alberto Carating ng Maynila.
Ayon kay LTFRB Chairman Dante Lantin, ang namatay sa Edsan bus explosion ay tatanggap ng P50,000 insurance benefits samantalang P12,500 naman ang tatanggapin ng mga nasugatan.
Ang naturang halaga umano ay alinsunod sa insurance coverage ng Capital Insurance Company na nakatala sa Insurance Commission at bunsod na rin ng pakikipag-usap ni Lantin kay Insurance Commission Chairman Eduardo Malinis. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am