Erap is my Guy
January 3, 2001 | 12:00am
Ang dekada 70 ay mabungang panahon ni Erap sa pelikula. Nagkataon namang sa panahong ito nagkaroon ng bihis ang pinilakang tabing. Nagsulputan sa panahong ito ang mga pelikulang may mabubuting uri at masasabing may kalidad ang mga istorya. Bahagyang nagkaroon ng kamulatan ang mga manonood. Lalo pa nang ideklara ni Ferdinand Marcos ang martial law noong 1972, na naging dahilan para mawala ang mga malalaswang pelikula na tinawag na "bomba pictures" at nahalinhan ng mga pelikulang may temang pagmamahal sa bayan, na kung bubusisiin ay propaganda ng bagong lipunan. Ginamit ni Marcos ang film industry sa kanyang pansariling layunin sa buhay. Anut anuman nakatulong ang paghihigpit ni Marcos sa industriya ng pelikula.
Ang isang magandang masasabi, bagamat nauso ang mga "bomba pictures" hindi naman nabanggit na nagkaroon ng malaswang pelikula si Erap. Kahit na kalat na kalat ang pagiging tsikboy niya hindi nabalitang nagkaroon siya ng mga "bombang pelikula" gaya ng nilabasan nina nina Vic Vargas, Lito Legaspi at iba pang machong bidang lalaki noong unang bahagi ng dekada 70. Kasikatan din ng mga panahong iyon ang pangalan nina Merle Fernandez, Rossana Marquez at iba pa. Kung ngayon ay Kangkong, Talong at iba pang nakaiintrigang titulo ng pelikula noon ay Uhaw, Gutom at Batuta ni Drakula ang mga titulo ng pelikula.
Hindi nabanggit si Erap sa mga malalaswang pelikula bagkus mga pelikulang inaapi, o kayay ginugulpi ang role niya. Tipong sa una ay kukursunadahin siya at pagkatapos ay sa bandang huli ay siya naman ang manununtok at bagsak ang mga kalaban. Nagpapagulpi muna at saka babangon.
Bawat babaing makatambal ni Erap sa pelikula ay nauugnay sa kanya. Pagkaraan nina Perla Bautista at Guia Gomez na pawang nakatambal niya sa pelikula, lumutang din at naging bali-balita ang pagkakaroon ng relasyon niya kay Nora Aunor.
Nang sumabog ang balitang iyon ay marami ang hindi makapaniwala. Diumano ang nagpakalat lamang ng "nakasisirang balitang" iyon ay ang kampo ng mga Vilmanians. Ibig lamang umanong sirain ang popularidad ni Nora. Subalit marami ang nagpapatunay (mismong mga taga-showbiz) na talagang nagkaroon ng relasyon ang dalawa.
Pagkaraan umanong magtambal ang dalawa sa Erap Is My Guy ay naging matamis na ang pagtitinginan ng dalawa at ang sinumang nagkakagustong lalaki kay Nora ng mga panahong iyon ay dumadaan umano sa kamao ni Erap. (Ulat ni Ronnie M. Halos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended