^

Bansa

Malakas ang appeal sa babaing katambal

-
Lubhang makulay ang buhay pulitika ni Erap sa loob ng dalawang dekadang pagsasama nila ni Guia Gomez. Kasabay din naman ng tagumpay ni Erap sa pulitika ay kasabay ding umimbulog ang kanyang bituin sa pagiging artista. Lalo siyang naging sikat at hinangaan sa pag-arte. Marami nga ang nagsasabi na natipon kay Erap ang lahat ng suwerte noong panahong naghiwalay sila ni First Lady Loi. Tumakbong mayor ng San Juan at nanalo noong 1967. Tumakbong muli noong 1971 at nanalong muli. Kahit nang ideklara ni Marcos ang martial law noong 1972 ay hindi natinag sa puwesto si Erap at lalo pang bumango sa mga taga-San Juan. Umayon sa kanya ang mga pagkakataon.

Kasabay nga ng tagumpay sa pulitika ay nakipagsabayan ang ningning niya sa pelikula. Mula nang sumikat ang kanyang pangalan sa Asiong Salonga ay nagkasunud-sunod ang offer sa kanya para gumawa ng pelikula. Lagari roon, lagari rito ang kanyang ginawa. At ang kahusayan sa pagganap ang naghatid sa kanya para magkamit ng maraming awards. Ilang ulit siyang nagkaroon ng awards sa FAMAS. Dahil doon ay lalo pang naging bukambibig ang kanyang pangalan. Hindi lamang sa San Juan kundi sa iba pang panig ng Pilipinas.

Sa wari, ang tagumpay ni Erap sa dalawang larangang pinasok ay sumira sa prediksiyon ng kanyang mga magulang noon na malaking gulo ang papasukin nito. Nang huminto sa pag-aaral si Erap sa Mapua Institute of Techno-logy at pinasok ang pag-aartista ay nagalit ang kanyang ama. Katunaya’y hindi nito pinagamit ang apelyidong Ejercito sapagkat ikinahihiya ang pagiging artista. Nang pasukin naman nito ang pulitika noong 1967 ay sinabi umano ng ina nitong si Doña Mary na mas lalo pang malaking gulo ang papasukin ng kanyang anak. Subalit nakadama ng pagmamalaki si Erap sapagkat nagkamali ang prediksiyon ng mga magulang. Sa katunaya’y siya ang tinanghal na pinakasikat sa kanilang 10 magkakapatid kahit na nga wala siyang tinapos na kurso sa kolehiyo.

Ang pagsikat ni Erap sa pelikula habang magkasama sila ni Guia ay sadyang kakaiba at makulay. Ang buong dekada ’70 at unang bahagi ng dekada ’80 ang itinuturing na nasa tuktok ng tagumpay si Erap. Sa mga panahong ito lalong lumutang ang kanyang appeal at ka-machohan sa mga babaing nakatambal niya sa pelikula. Karamihan umano sa mga babaing nakatambal ay nagkaroon siya ng relasyon.

Ayon sa mga bali-balita, kabilang dito ang mga artistang sina Nora Aunor, Imelda Ilanan at Elizabeth Oropesa. Bukod sa mga artistang nabanggit, dalawang babaing singer din diumano ang bali-balitang nagkaroon ng relasyon kay Erap. Ito ay sina Eva Eugenio at Didith Reyes. (Itutuloy)

vuukle comment

ASIONG SALONGA

DIDITH REYES

ELIZABETH OROPESA

ERAP

EVA EUGENIO

FIRST LADY LOI

GUIA GOMEZ

KANYANG

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with