Jose Velarde sira-ulo Maceda
December 29, 2000 | 12:00am
Sira-ulo ang isa pang nagpapakilalang Jose Velarde na sumulat kay Senate President Aquilino Pimentel at umaangkin sa P1.2 bilyong account sa Equitable-PCI Bank na sinasabi ng tagausig na pag-aari ni Pangulong Joseph Estrada.
Ito ang inihayag kahapon ng tagapagsalita ni Estrada na si Ambassador Ernesto Maceda na nagsabing maraming sira ang ulo sa United States.
Galing umano ang sulat sa U.S. na kasalukuyan umanong kinaroroonan ng naturang Velarde. "Ako ay matagal nang nasa Amerika. Sa Amerika mismo, maraming sira ang ulo," sabi pa ni Maceda.
Nagbabala naman si Pimentel na ipakukulong ng Senado ang naglilitawang mga huwad na Velarde dahil hindi biro-biro ang usapan at nakasalalay dito ang kinabukasan ng bawat Pilipino at ng buong bansa.
Hinamon din ng Concerned Lawyers for Moral and Effective Leadership ang sinumang tunay na Jose Velarde na lumantad para patunayang hindi gawa-gawa ang pagkatao nito. (Ulat nina Ely Saludar, Doris M. Franche at Grace R. Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended