Bagong testigo kilala na raw ng Malacañang

Kilala na ng Malacañang ang sinasabi ng prosecution panel na bago nitong testigo sa kasong impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada na ang testimonya ay mas malakas pa umano kumpara sa unang ibinunyag ni Equitable-PCI Bank Senior Vice President Clarissa Ocampo.

Sinabi ng tagapagsalita ni Estrada na si Ambassador Ernesto Maceda na ang nagbitiw kamakailan na tagapangulo ng Equitable-PCI Bank na si George Go ang sinasabi ng prosecution na bago nitong testigo.

Pinuna ni Maceda na sa pananaw na ng publiko at hindi sa Senado ang isinusulong ng prosecution na sentensya sa Pangulo. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments