^

Bansa

P1 posibleng rollback sa langis

-
Binigyang pag-asa kahapon ni Energy Secretary Mario Tiaoqui ang publiko hinggil sa posibilidad na I-rollback o bawasan ng P1 ang presyo ng langis bawat litro sa Enero 2001.

"Baka later on, makikita natin na baka mas malaki pa ang pagbaba. Pero iyan ang

pag-uusapan namin dahil gusto naming malaman kung ano ang plano nila," sabi ni Tiaoqui sa isang panayam. Habang isinusulat ito kahapon, takdang magpulong ang mga opisyal ng Department of Energy para talakayin ang naturang usapin.

Ginawa ni Tiaoqui ang pahayag kasunod ng pagbagsak ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. Bumagsak sa $19 mula sa $31 bawat bariles ang pandaigdigang presyo ng krudo mula sa Dubai na siyang pinagbabasihan ng presyo ng langis sa Pilipinas.

Umaasa rin si Tiaoqui na maganda rin ang kalalabasan sa pakikipagpulong niya sa mga opisyal ng mga kumpanya ng langis na itatakda sa pulong ngayon ng mga opisyal ng DOE. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

BINIGYANG

BUMAGSAK

DEPARTMENT OF ENERGY

DUBAI

ENERGY SECRETARY MARIO TIAOQUI

ENERO

GINAWA

HABANG

LILIA TOLENTINO

TIAOQUI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with