Kaanak, kaibigan hinging pagbitiwin si Erap
December 28, 2000 | 12:00am
Dapat nang hikayatin si Pangulong Joseph Estrada ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak na bumaba na siya sa puwesto bago sumapit ang Enero 2, 2001 na, rito, magpapatuloy ang paglilitis ng Senado sa kaso niyang impeachment. Ito ang sinabi kahapon ni Caloocan City Congressman Enrico Echiverri na nagdagdag na mas malaking kahihiyan ang aabutin ni Estrada kung hindi ito magbibitiw sa tungkulin bago sumapit ang naturang petsa.
Ikinatwiran ng mambabatas na wala nang natitirang reputasyon si Estrada makaraang ibunyag ni Equitable-PCI Bank Senior Vice President Clarissa Ocampo na nakita nitong pumirma bilang Jose Velarde ang Pangulo sa signature card sa account nito sa naturang banko.
Kung totoo anyang mahalaga sa mga kamag-anak ni Estrada ang kapakanan nito, dapat nilang hikayatin ang Pangulo na lisanin na ang Malacañang. Sa isa namang pulong-balitaan sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan, sinabi ng Kongreso ng Mamamayang Pilipino II na dapat nang magbitiw si Estrada dahil isa nang matibay na testigo si Ocampo. Nangako ang Kompil na palalakasin nila ang pagmamanman sa Senado na lumilitis kay Estrada at isasagawa nila ang PULONGBAYAN sa mga komunidad, pabrika, paaralan at kura paroko para maipaliwanag sa mamamayan ang impeachment trial laban sa Pangulo. (Ulat nina Malou B. Rongalerios at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended