^

Bansa

Mataas na badyet hingi ng Philvocs sa 2001

-
Humingi ng mataas na badyet ang Philippine Volcanology and Seismology (Philvocs) sa pamahalaan para sa susunod na taon.

Ayon kay Lito Lanuza ng Philvocs, dapat bigyan ng malaking badyet ng pamahalaan ang kanilang ahensya dahil sila ang pinagkukunan ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa bagyong papasok sa bansa, paggalaw at pagsabog ng bulkan, lindol at iba pang mga kalamidad.

Kumukuha ng impormasyon ang Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Philvocs kung ano ang nararapat na gawin sa mga pataniman at kapatagan para makaiwas sa mga kalamidad tulad ng pagsabog ng bulkan.

Ang Philvocs din ang nagsasagawa ng mga pag-aaral sa mga tulay, mga gusali at mga flyovers kung ang mga itatayong ito ay may kakayahan na lampasan ang magaganap na paglindol.

Ngayong taong ito, ang Philvocs ang may pinakamababang badyet na umabot lang sa P 7 bilyong piso katulad din ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pinagkukunan din ng mga impormasyon na may kinalaman sa kalamidad. (Ulat ni Angie dela Cruz).

ANG PHILVOCS

ANGIE

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

LITO LANUZA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

PHILIPPINE VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHILVOCS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with