Kapag na-acquit si Erap, lansangan huwag gamitin sa protesta FEJODAP
December 26, 2000 | 12:00am
Huwag gamitin ng mga nagsasagawa ng kilos-protesta ang lansangan sakaling mapawalang-sala si Presidente Estrada sa kasong kinasasangkutan nito.
Ito ang paggigiit ni Romualdo Maranan, Pangulo ng Federation of Jeepney Operator and Drivers Association (FEJODAP).
Binigyan-diin ni Maranan na malaki ang magiging epekto sa kanilang arawang kita ang ginagawang paggamit sa mga lansangan ng mga nagsasagawa ng protesta dahil kapag sinasakop nila ang kalsada ay hindi na sila makabiyahe at makapasada.
Nakikiusap ang FEJODAP sa mga nagsasagawa ng kilos protesta na kilalanin ang kanilang karapatan kung nais din nilang kilalanin namin ang kanilang karapatan na magsagawa ng kilos-protesta sa lansangan laban sa administrasyon.
Nanawagan din sila na dapat ay umamin na ang nagkasala sa ginagawang paglilitis ng Senado upang matapos na ang problemang politika sa bansa. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest