Magkaisa at magkaunawaan tayo sa araw ang Pasko - Erap
December 25, 2000 | 12:00am
Pagkakaisa at pagkakaunawaan ng sambayanang Pilipino ang hiningi ni Pangulong Joseph Estrada sa pagdiriwang ng bansa ng unang Pasko sa ilalim ng bagong milenyo.
Sa kanyang mensahe ng pagbati sa sambayanan sa pagsapit ng Pasko, naghayag ng kalungkutan ang Pangulo dahil sa pagkalimot ng ilan na mahalin ang kanilang mga kababayan na siyang pinag-uugatan ng kahirapan, krimen at maging ng labanan.
Nagpagunita rin ang Pangulo na ang Pasko ay hindi lamang isang okasyon para sa pagdiriwang kundi panahon din ng pagninilay sa araw-araw nilang pagtahak sa buhay.
Ang direksyong ito, anang Pangulo ang siyang dapat na landas na maghahatid sa sambayanan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa tungo sa iisang mithiin.
"Mga minamahal kong kababayan, ang Pasko ay hindi lamang panahon ng pagdiriwang. Panahon din ito ng pagsusuri ng ating buhay. Kaakibat ng pag-unlad, marami ang mga taong nakalimot magmahal. Ito ang ugat ng kahirapan, ng krimen, ng digmaan," dagdag niya.
"Sa pagdiriwang natin ng unang Pasko sa ika-21 siglo, buksan natin ang ating mga puso. Tanggapin natin ang liwanag na ipinamalas sa atin mula sa Bethlehem at hayaan natin itong magningning sa ating buhay," sabi pa ng Pangulo.
"Simulan natin ngayon ang pagpanday ng ating kinabukasan, gamit ang liwanag na yan ang liwanag ng pag-ibig na walang pasubali. Ito ang magtuturo sa tao na umunawa. Pagkakaunawaan ang magbibigkis sa ating lipunan. Sa pagkakaisa, mapapasa-atin ang lakas at kapangyarihan para magtagumpay laban sa takot at kahinaan, at makamit ang ating pinakamimithi ang kapayapaan at kaligayahan."
"Sa Paskong ito, idinadalangin ko po at ng aking buong pamilya na matutuhan nating lahat ang magmahal nang tapat, di lang tuwing Pasko kundi bawat araw ng ating buhay." pagtatapos ng Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest