May sinasaktang damdamin
December 24, 2000 | 12:00am
Masakit pero kailangang tanggapin ang katotohanan na ang lalaking pinakasalan niya ay mahirap nang alisin sa bisyo nitong pambababae, pag-inom at pagsusugal. Mas pinipigilan at mas pinagagalitan ay lalong umaalma. Walang kinatatakutan at walang damdamin kung may nasasaktan man. Hindi na marunong bumasa ng damdamin masunod lamang ang kagustuhan.
Malaki na nga ang pagkakaiba ng dating Joseph Ejercito na nakilala ni First Lady Loi noong huling bahagi ng dekada 50. Psychiatrist siya sa National Mental Hospital nang makilala si Erap. Naglilingkod naman ito bilang mimeograph operator. Guwapo. May mga matang kung ititig ay humahalukay ng damdamin subalit may karinyo. Magaling umanong gumawa ng paraan si Erap upang mapansin ng babae. Simple pero mabisa.
Ayon kay Loi, kapag nagpapagawa siya kay Erap ng mga kopya ng case histories ng kanyang mga pasyente ay napupuna niyang malilinaw at magagandang kopya ang ibinibigay nito sa kanya. Kung minsan naman umano ay nakikita niyang nakatayo ito sa may pintuan ng kanyang opisina at nakatitig sa kanya. Subalit hindi umano niya pinapansin si Erap.
Hanggang sa dumating sa punto na nireregaluhan na siya nito. Paborito umano nitong bilhin para kay Loi ay hotdog. Mahilig itong magregalo at magaling umanong manuyo. Unti-unti ay napansin na ni Loi na kakaiba si Erap kumpara sa ibang lalaki sa ospital na pinagtatrabahuhan. Pogi umano ito. Kapag napapanood umano niya sa paglalaro ng basketball ay humahanga siya. Marami rin umano ang napapatiling babaeng kasamahan niya sa kaguwapuhan ni Erap.
Hanggang sa maging magnobyo sila. Kasunod noon ay ang pagpapakasal nila noong 1959 at dumating ang mga problema na hindi niya inaasahan dahil sa mga pagbabagong ipinakita ng lalaking pinakasalan. Lalo na nang napuno ng bisyo nang pumasok ito sa pelikula. Nalapit ito sa tukso.
Naghiwalay nga sila ng 18 taon. At noong 1987 na lamang bumalik dito sa Pilipinas. Iyon ay noong tatakbo na lamang na senador si Erap. Nakumbinsi umano si Loi ng kanyang biyenang si Doña Mary Ejercito na makisamang muli sa anak nito.
Kamakailan ay inireport na ni-reactivate ni Loi ang kanyang application bilang US immigrant upang doon na muling manirahan. Ang dahilan umano ay ang isyu sa pag-aampon sa isang anak ni Erap kay Laarni. Gayunman, itinanggi ito ni Loi at sinabing hindi niya iiwan si Erap. "I stand by my man," ani Loi. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended