Pinoy peacekeeping force ng UN yumao
December 24, 2000 | 12:00am
Isang sundalong Pilipino na miyembro ng peacekeeping force ng United Nations sa East Timor ang namatay makaraang atakihin sa puso sa naturang dating kolonya ng Indonesia kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Cpl. Edgar Gallego ng Philippine Army na takda sanang bumalik sa Pilipinas sa susunod na taon.
Bandang alas-4:00 ng madaling-araw nang bawian ng buhay si Gallego dahil sa cardio-pulmonary arrest sa Manatuto, East Timor.
Pansamantalang inilagak ang bangkay ng biktima sa UN Military Hospital sa Dili, Indonesia para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended