^

Bansa

Boykot sa Equitable bank ipinanawagan

-
Ilang grupo na ang nananawagan sa pagboykot sa Equitable-PCI Bank na sinasabing ginamit umano ni Pangulong Joseph Estrada para paglagakan ng milyun-milyong halaga ng salapi na nagmula sa koleksyon sa jueteng.

Sinabi kahapon ng militanteng Bagong Alyansang Makabayan na dapat iboykot ng mga Pilipino at isara ang kanilang account sa Equitable bilang pahiwatig na hindi papahintulutan ng mamamayan ang money laundering, pagpalsipika ng mga account record at ibang gawaing kriminal ng ilang banko.

Sinabi ni BAYAN Chairman Rafael Mariano na makatarungang iboykot ang Equitable-PCI dahil sa pagtanggi nito noong una na sundin ang utos ng Senado/impeachment court na isumite ang account record ng isang Jose Valhalla/Velarde sa hinihinalang "pagduktor sa mga dokumentong isinumite sa Senado kinalaunan; malisyosong pagtatalaga kay Ricardo Romulo bilang kapalit ng tagapangulo ng banko na si George Go na isa umanong crony ng Pangulo; at tangkang ipalitaw na si Jaime Dichaves ang may-ari ng Valhalla account para pagtakpan si Estrada.

Sinabi naman ni Dante Jimenez ng Volunteer Against Crime and Corruption na, bagaman hindi direktang sangkot ang Equitable-PCI sa isyu ng jueteng payola, nawala na ang kredibilidad nito dahil hinahayaang makapagdeposito ang isang tao na may milyun-milyong halaga nang hindi man lang ito kinuwestyon o pinaghinalaan. (Ulat ni Grace R. Amargo)

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

CHAIRMAN RAFAEL MARIANO

DANTE JIMENEZ

GEORGE GO

GRACE R

JAIME DICHAVES

JOSE VALHALLA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

RICARDO ROMULO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with