"Dapat nang paharapin ng defense lawyers sa witness stand ang akusado," sabi ni Ople na isa sa pinaniniwalaang kaalyado ni Estrada sa mataas na kapulungan.
"Maraming sektor ang nagnanais na personal na humarap sa paglilitis ang Pangulo. Sinasabi nila na siya (Estrada) lang ang makakapagpasinungaling sa mga akusasyon laban sa kanya," dagdag ni Ople.
Sinabi pa ni Ople na may mga kakulangan sa mga testimonya ng tagausig at ito ang tamang pagkakataon para magbigay ang Pangulo ng sarili nitong testimonya.
Kaugnay pa nito, inihain kahapon ng prosecution panel sa impeachment court ang isang motion na humihiling na paharapin sa paglilitis ang Pangulo para sumagot sa mga kaukulang katanungan.
Samantala, sa labas ng Senado, nagsampa ng despidida party ang kongreso ng mamamayang Pilipino bilang alay umano sa pag-alis ni Estrada sa Malacañang. (Ulat ni Rose Tamayo)