^

Bansa

Erap humarap ka na sa trial - Ople

-
Sinabi kahapon ni Senate President Pro Tempore Blas Ople na dapat nang humarap nang personal si Pangulong Joseph Estrada sa paglilitis sa kaso nitong impeachment sa Senado.

"Dapat nang paharapin ng defense lawyers sa witness stand ang akusado," sabi ni Ople na isa sa pinaniniwalaang kaalyado ni Estrada sa mataas na kapulungan.

"Maraming sektor ang nagnanais na personal na humarap sa paglilitis ang Pangulo. Sinasabi nila na siya (Estrada) lang ang makakapagpasinungaling sa mga akusasyon laban sa kanya," dagdag ni Ople.

Sinabi pa ni Ople na may mga kakulangan sa mga testimonya ng tagausig at ito ang tamang pagkakataon para magbigay ang Pangulo ng sarili nitong testimonya.

Kaugnay pa nito, inihain kahapon ng prosecution panel sa impeachment court ang isang motion na humihiling na paharapin sa paglilitis ang Pangulo para sumagot sa mga kaukulang katanungan.

Samantala, sa labas ng Senado, nagsampa ng ‘despidida party’ ang kongreso ng mamamayang Pilipino bilang alay umano sa pag-alis ni Estrada sa Malacañang. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

DAPAT

KAUGNAY

MALACA

OPLE

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

ROSE TAMAYO

SENADO

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE BLAS OPLE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with