Erap lusot na sa 5 senador
December 21, 2000 | 12:00am
Nakataya ngayon ang kredibilidad ng limang senador na nagsisilbing huwes sa idaraos na impeachment trial kay Presidente Estrada matapos mabunyag na hindi pa man natatapos ang paglilitis, handa na ang hatol nilang i-absuwelto ang Pangulo.
Ito ang lumilitaw sa testimonya ni Christine Herrera, reporter ng Philippine Daily Inquirer kaugnay ng kanyang exposé na nagsasabing under surveillance ang mga miyembro ng Oposisyon pati na ang mga mambabatas pabor man o kontra sa Pangulo.
Sa hanay ng mga taong naka-wiretap ang mga telepono, limang senador ang hindi kasali sa listahang nagmula sa Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) na kinabibilangan nina Senador Blas Ople, Tessie Aquino-Oreta, Miriam Defensor Santiago, Robert Jaworski at Ramon Revilla Sr.
Agad namang pinasinungalingan ng limang mambabatas ang alegasyon na naniniwalang ito’y bahagi lamang ng disinformation at paninira ng Oposisyon.
Sa testimonya ni Herrera, sinabi umano ng kanyang impormante na hindi naka-tapped ang telepono ng mga naturang senador dahil kumpiyansa na si Presidente Estrada na sila’y boboto para sa acquittal ng Presidente.
Ang surveillance ay isinasagawa ng isang opisyal ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) at kasalukuyang ipapatawag ng Senado para mag-testify hinggil sa pahayag ng Inquirer reporter.
Isinalang din sa witness stand kahapon si PNP Chief Director Panfilo Lacson na nagpabulaan sa alegasyon. Ibinunyad din ni Lacson ang pangalan ng PLDT employee na nagpalabas ng billing ng mga taong umano’y mino-monitor ng administrasyon. Ang pangalan umano ng kawani ay Flodina S. Pasamba na nakatalaga sa Central Office ng PLDT sa Ortigas. Nagpalabas ng subpoena ang impeachment court sa atas ni Presiding Judge at Chief Justice Hilario Davide Jr. para humarap sa araw na ito si Pasamba.
Samantala, binatikos kahapon ni Bohol Rep. Ernesto Herrera ang ginawang pagdududa ni Sen. John Osmeña sa integridad ng mga reporters na nagsiwalat ng kontrobersyal na wire-tapping.
Ayon kay Herrera, imbes na magpasalamat ang ilang senador sa mga reporter na naglabas ng nasabing ulat dahil sa nalantad ang paglabag ng Estrada administration sa constitutional rights ng mga biktima ng wire-tapping ay pinagdududahan pa ang mga ito.
Ang dapat umanong tingnan ng mga senador ay ang spying activities ng pamahalaan at hindi ang mga reporters na nagsiwalat lamang ng kabulukan ng pamahalaan.
Nakatakda umanong sampahan ng kasong administratibo ang isang police officer na umano’y nakipagsabwatan sa ilang tauhan ng PLDT kaugnay ng kontrobersyal na surveillance at monitoring sa mga tawag sa telepono ng ilang senador at kongresista kaugnay ng mainit na impeachment trial laban kay Pangulong Joseph Estrada. (Ulat nina Doris Franche, Malou Rongalerios at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended