Ang tatlong bilang ng kasong kriminal na kinakaharap ni Tan ay isinampa ng DOJ prosecutors sa pamumuno ni Assistant Chief State Prosecutor Nilo C. Mariano sa Pasig Regional Trial Court makaraang aprubahan ito ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuño.
Bukod kay Tan, kabilang din sa kinasuhan sina Jimmy Juan at Eduardo G. Lim, Jr. sa magkahiwalay na kasong paglabag sa Batas Pambansa 178 securities law.
Kaugnay nito, inirekomenda ng mga piskal ang kaukulang P40,000, para sa pansamantalang paglaya at kung mapapatunayang nagkasala sina Tan, Juan, Lim ay nakatakdang magsilbi ng 21 taon pagkabilanggo. (Ulat ni Grace Amargo)