^

Bansa

Dante Tan, kinasuhan na ng DOJ

-
Pormal nang sinampahan ng Department of Justice ng tatlong bilang ng kasong kriminal dahil sa paglabag sa Revised Securities Act ang negosyanteng si Dante Tan na naging sanhi umano ng biglaang pagtaas ng stock price ng BW Resources noong nakaraang taon.

Ang tatlong bilang ng kasong kriminal na kinakaharap ni Tan ay isinampa ng DOJ prosecutors sa pamumuno ni Assistant Chief State Prosecutor Nilo C. Mariano sa Pasig Regional Trial Court makaraang aprubahan ito ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuño.

Bukod kay Tan, kabilang din sa kinasuhan sina Jimmy Juan at Eduardo G. Lim, Jr. sa magkahiwalay na kasong paglabag sa Batas Pambansa 178 securities law.

Kaugnay nito, inirekomenda ng mga piskal ang kaukulang P40,000, para sa pansamantalang paglaya at kung mapapatunayang nagkasala sina Tan, Juan, Lim ay nakatakdang magsilbi ng 21 taon pagkabilanggo. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ASSISTANT CHIEF STATE PROSECUTOR NILO C

BATAS PAMBANSA

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

DANTE TAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDUARDO G

GRACE AMARGO

JIMMY JUAN

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

REVISED SECURITIES ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with